sulizismo
read my profile
sign my guestbook

Name: sulizismo
Gender: Male


Message: message me


Member Since: 5/26/2006

SubscriptionsSites I Read

Posting Calendar

|<< oldest | newest >>|
view all weblog archives

Get Involved!

Suggest a link

Recommend to friend

Create a site

Thursday, July 02, 2009

 
This is where I will spill my blood..... each drop of life cultured byexperience and instructions.... will stain parcels, eyes and thoughts.Some may deem it tasteless and meaningless, some may find it indulging.Either way, blood drips effortlessly...read on... comments are welcome..


RL loves MJ

 


Sunday, May 03, 2009

Di ko akalain....

may natitirang ngiti sa bawat halakhak
may magandang balita nagmula sa habagat.
eto na naman ang pusong nakikiliti.
sumisilip sa kanya, nagkakakuliti.

Umuwi ako bago matunaw ang yelo.
Daladala ang natatanging pakunswelo.
Iniwan sa ala-ala kalahating impyerno.
Bulalakaw lang ang nawawalan ng preno.

Baka sinasadya! Langit ba'y nandadaya?
Sabay na pag-alis para magpahid ng dungis.
Galing ako sa aking pinagtapusan.
Galing siya sa aking pinagmulan.

Dalawang taon at isang buwan.
Ihanda ang drama't kwentuhan.
Sabayan ng tinig ang gitara.
palitan ang diwata ng sirena.

Dito, kahit bilog at hinihingal ang mundo
mag-iisip bata't magpipilit magpasundo
Doon, kahit tipirin ang magandang hangarin
magutom na at mapuyat, kulang pa rin.

Di ko akalaing iibig at tatanggap
di na kailangan sino ma'y magpanggap
Titig na sa gilid at wag kukurap.
Kailangan ng aminin puso na sapat!


Wednesday, April 29, 2009

Random Thoughts

Di naman palagi pero parang ang hirap i-reformat ng buhay. Dami kasing mga files at folders na ilang taon mo na rin nipagpaguran. Bakit mo naman hahayaang mabura ng ganun ganun na lang. Kahit Virus pa yan, installed or nahawaan, hanapan mo muna ng paraan i-backup mga files mo na pinagpuyatan. Surrendering to hopelessness can be a safe option but not now. A twist of fate can force you to reinvent yourself.. but what can you do.. di mo naman pede tanggapin lang ang consolation ng buhay. Laban... Nakayanan ni tatay, ikaw pa. Laban! Sa mga nanggamit, di kailangan magsungit.. dahil kala nila yun lang kaya mo gawin... Smile lang,,, lalo na pag meron magpapangiti, magpapakilig sa iyo... paparating. Di mo na kailangan maging tama. Sobra naman kung aminin mo na ikaw ang mali. Nagpagod ka, nagsakripisyo, kasalanan mo ba kung pinagkait ang pagkakataon na magkakaanak ka.... oo ka lang kasi ng oo.. kahit humindi ka... may makikinig ba? Eh, di sana meron ka na rin excuse na di mo magamit pag single ka...as if when you are single, you have nothing to lose. Happy Mother's Day nga pala sa mga ina.

Sige Reformat ko muna computer ko. BTW, bitterness is off one letter from betterness... and so is butterness... or batterness..... the last one.. butterness.. hehehehe JLO and Beyonce.. :))

Sulizismo


Tuesday, April 28, 2009

Salamat na rin....

Sa simula pa lang, sino ba ang nagkunwari?
Di nga perpekto, di naman ako magpapari...
Di pa ba sapat na sumubok itama ang lahat.
Wala ba ako ginawa kundi magkalat ng alat?

Salamat na rin sa malayang pag-titiis
kahit na ang talampakan ay di makinis.
At sa mga asal ko na lubhang nang-iinis
Akala ko'y di na darating tayo sa finis.

Heto ako ngayon, nagpapasalamat
Di makaisip ng tamang pamagat.
Pangalan mo ay di na isusulat,
Paalam mo ay di na rin susugat.

Oo, minahal kita ng sobra sa sarili,
kahit na sa ating pagkikitang huli.
Pero di na ako magsisiksik at kukubli..
sa yakap ng nagmamahal na di mamimili.

Salamat na rin... at ako'y iyong minahal
...pinagluto ng pinakamasarap na almusal
Salamat na rin... sa pagtaboy sa lansangan,
isang marahas subalit mahalagang karanasan.

Eto ako ngayon, mundo'y subukan ipagbubuti
Di na sisilip sa makina mo para magkakuliti
Malaya na tayong maghanap ng ating mga ngiti
Malaya na akong sa anino muna mananatili...

Sa simula pa lang, sino ba ang nagkunwari?
Di ko naman sinabi na malinis aking puri...
Di pa ba sapa't ang hilot sa iyong likod
mapuyat para sa walang katuturang pagod.




Next 5 >>